Seminar on Online Safety and Protection Against Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at Court Awareness

scroll down

Matagumpay na naisagawa ang seminar tungkol sa Online Safety and Protection Against Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at Court Awareness noong ika-4 ng Pebrero, 2026.
Ang programang ito ay bunga ng pagkakaisa ng Quezon City Public Library District 2 at District 5, na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa Grade 9 ng Holy Spirit National High School.
Layunin ng seminar na bigyan ang mga kabataan ng sapat na kaalaman sa:

  • Ligtas at responsableng paggamit ng internet.
  • Pagkilala at pag-iwas sa mga panganib online.
  • Pag-unawa sa mga karapatan ng bata.
  • Kaalaman sa papel ng hustisya sa pagprotekta laban sa pang-aabuso at pagsasamantala.
    Sa pamamagitan ng interaktibong talakayan, naengganyo ang mga mag-aaral na maging responsableng digital citizens. Binigyang-diin sa seminar ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag at ang katapangan sa pagsasalita o paghingi ng tulong sa oras ng pangangailangan—maging sa online man o sa offline na mundo.
    Isang malaking pasasalamat sa aming mga katuwang sa gawaing ito.
    Salamat kina Ms. Riza Lepasana (World Hope International) at Ms. Maribeth Baril (Justice Cecilia Muñoz Palma Foundation, Inc.) sa pagbabahagi ng inyong kaalaman.
    Hindi rin ito magiging posible kung wala ang suporta ng pamunuan ng Holy Spirit National High School sa pangunguna ni Ms. Ruby De Jesus. Maraming salamat sa inyong dedikasyon na protektahan at bigyang-lakas ang ating mga kabataan.
    Patuloy tayong magtulungan para sa isang ligtas at matalinong komunidad!

Article Originally Appeared at https://www.facebook.com/quezoncitypubliclibrary

    Comments are closed