
ARAW NG KAGITINGAN. “Noong taong 1953, si Pangulong Elpidio Quirino ang unang nagdeklara ng Abril 9 bilang Bataan Day—isang araw ng pag-alaala sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Fall of Bataan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pagkaraan ng ilang taon, mas lalo pang pinalalim ang kahulugan ng araw na ito. Noong 1961, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Carlos P. Garcia, pormal na naisabatas ang Republic Act No. 3022, na nagtakda sa Abril 9 bilang Araw ng Kagitingan—isang opisyal na pambansang holiday.
Isang araw hindi lamang ng paggunita, kundi ng pagpupugay sa katapangan, sakripisyo, at diwa ng bayanihan ng mga Pilipinong lumaban para sa kalayaan.
Tuwing Abril 9, ating inaalala:
ang kagitingan ng nakaraan ay inspirasyon ng ating kinabukasan.”
🎥 VIDEO CREDIT TO KNOWLEDGE CHANNEL